Ang Konsulado ng Pilipinas sa Vancouver ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023.
Tuwing Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa at ngayong taon, ang tema ng nasabing pagdiriwang ay "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan."
Para sa detalye ng mga aktibidad para sa buwang ito at sa paliwanag hinggil sa tema ngayong taon, hinihikayat namin kayo na bisitahin ang pahina ng Komisyon sa Wikang Filipino.
#PHinVancouver